O Laguna University, Sa’yo ay aming ibinibigay Ang isip, puso at katapatan Bigay ka ng Diyos sa aming bayan.
Ika’y tanglaw ng karunungan Na gumagabay sa maraming kabataan Pag-asa ka ng mga mahihirap Na may gintong pinapangarap
Tulay:
Nakasalalay ang kinabukasan Ng libu-libong kabataan Na nagnanais ng tagumpay para Sa kanya Inang Bayan (Sa kanya Inang Bayan) Isisigaw ang pasasalamat Sa kabutihan mo para sa’ming lahat Dakila ka, O sintang pamantasan O Laguna University! O Laguna University!